12 Pebrero 2024 - 06:37
Mga welga ng Israel sa Rafah ay pumatay ng halos 100 mga lokal na mamamayan ng Palestino at ikinasugat pa ng mga daan-daang iba pa

Ang rehimeng Israeli ay nagsagawa ng malawak na pagsalakay sa himpapawid at pag-atake ng artilerya laban sa katimugang Gaza Strip, sa lungsod ng Rafah, na kung saan ikinamatay ng mahigit 100 at daan-daang din ang mga nasugatang mga mamamayang sibilyan, karamihan ay mga kababaihan at mga bata.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) Balitang ABNA :- Ang rehimeng Israeli ay nagsagawa ng malawakang pagsalakay sa himpapawid at pag-atake ng artilerya laban sa katimugan ng Gaza Strip, sa lungsod ng Rafah, na kung saan ikinamatay at nasugatan ng daan-daang mga sibilyan, karamihan sa kanila ay mga kababaihan at mga bata.

Ayon sa Palestinong  media, ang brutal na pag-atake ng rehimen Zionista sa mga tahanan at mosque ng mga tao sa Rafah sa ngayon ay pumatay na ng halos 100 mga sibilyan habang nag-iwan ng hindi bababa sa 230 iba pa ang mga nasugatan at dose-dosenang mga lokal na mamamayang Palestino din ang nakulong sa ilalim ng mga durog na bato hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi din ng isang opisyal ng Palestinong Kalusugang Ministro, na hindi kayang hawakan ng mga ospital ng Gaza ang malaking bilang ng mga nasawi dulot ng mga pag-atake ng Israeli.

Ang mga bagong welga ay dumating pagkatapos niulat ng mga Palestinong media, na hindi bababa sa 11 mga sundalong mga Israeli ang napatay sa isang ambus ng mga Palestinong mandirigmang resistance malapit sa lungsod ng Khan Yunis, sa katimugang bahagi din ng Gaza.

Ang mga welga ay naganap din sa panahon na higit pa sa isang milyong mga tao, higit sa limang beses ang karaniwang populasyon ng Rafah, ay tumakas mula sa lungsod sa gitna ng malupit na pagsalakay ng mga Israel laban sa teritoryo sa baybayin.

Ang pagsalakay ng rehimen laban sa Gaza sa ngayon ay kumitil sa buhay ng mahigit 28,000 na mga lokal na mamamayang Palestino ang mga nasawi, karamihan sa kanila ay mga kababaihan at mga bata, na nag-iwan ng higit nasa 67,700 ang iba pang mga nasugatan.

Nagsimula ang genocidal na pagkitil ng mga Israel matapos ang mga kilusang paglaban sa Gaza ay nagsagawa ng isang makasaysayang operasyon laban sa sumasakop na entidad bilang pagganti sa pinatindi nitong kalupitan laban sa mamamayang Palestino.

......................

328