1 Hunyo 2024 - 06:18
Babaeng Israeli na bihag | Huwag ipaubaya ang aming kapalaran sa mga kamay ni Netanyahu (+Video)

Ang Al-Qassam Brigades, ang armadong pakpak ng Hamas, ay naglabas noong Biyernes ng isang video ng isang babaeng bihag ng Israel, na kubng saan humihimok sa lipunan ng Israel na gipitin ang gobyerno ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu para sumang-ayon sa isang pakikipagpalitan ng hostage-prisoner sa mga Palestino.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Al-Qassam Brigades, ang armadong pakpak ng Hamas, ay naglabas noong Biyernes ng isang video ng isang babaeng bihag ng Israel, na kubng saan humihimok sa lipunan ng Israel na gipitin ang gobyerno ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu para sumang-ayon sa isang pakikipagpalitan ng hostage-prisoner sa mga Palestino.

Kasama sa video ang isang audio message mula sa isang babaeng bihag kung saan nanawagan siya sa mga mamamamayang Israeli para mag-rally at huwag panatilihin ang kapalaran ng mga bihag sa mga kamay ni Netanyahu at ng kanyang war cabinet.

"Matutulad ba ako at ang kapalaran ba ng aking mga kasamahan kay Ron Arad," aniya, na tinutukoy ang airman ng Israel na nawawala sa Lebanon mula noong 1986.

.....................

328