13 Mayo 2017 - 05:06
Duterte: Teritoryo ng Pinas sa South China Sea, okupahan!

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na okupahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.


Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na okupahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.
Iginiit ni Duterte ang jurisdiction ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.
"I have ordered the Armed Forces to occupy all our territories in South China Sea," pahayag ni Duterte ngayong Huwebes sa Camp Artemio Ricarte.
"It looks like everybody is making a grab for the islands there, so we better live on those that are still vacant," dagdag niya.
Sinabi pa ni Duterte na baka bisitahin niya ang Pag-asa Island sa Palawan sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan upang itaas ang watawat ng Pilipinas.
Hulyo 2016 nang lumabas ang desisyon ng international court na nagsasabing ang Pilipinas ang nagmamay-ari ng ilang isla sa West Philippine Sea.
Matapos itong lumabas ay sinabi ni Duterte na mahirap kalabanin ang China kaya naman imbis na makipag-away ay pagagandahin na lamang ang relasyon ng dalawang bansa.
"At least, let us get what is ours now and make a strong point there that it is ours," sabi noon ni Duterte.
Sa kasalukuyan ay matatapos na ang “Big Three” air bases —Subi (Zamora), Mischief (Panganiban) and Fiery Cross (Kagitingan) Reefs – na ginawa ng China sa pinag-aagawang teritoryo.