“Dalhin sa akin ang ulo ng mga terorista”! Ito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na nakikipaglaban sa grupo ng Maute sa siyudad ng Marawi.
“Dalhin sa akin ang ulo ng mga terorista”!
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na nakikipaglaban sa grupo ng Maute sa siyudad ng Marawi.
“Marami na akong patay na sundalo pati pulis. Hindi ako makipag-usap sa inyo. Ah anong sabihin ng mga tao, mga lider nila, wala akong pakialam. Kaya kayong nandiyan, lumaban na kayo nang husto, kasi ang order ko talaga, dalhin ninyo ang ulo ng mga p****** i**** ‘yan,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa mga pulis at sundalo sa Ebuen Air base sa siyudad ng Lapu-Lapu, Cebu.
Aniya, nagpipigil lamang siya pero kaya niyang tapusin sa loob ng 24 oras ang grupong Maute na nag¬lunsad ng pag-atake sa siyudad ng Marawi noong Mayo 23.
“Pero itong kabuuhang pagsalakay ninyo sa Marawi, kami ay makipagsundo sa iyo dahil nais naming makipagsundo ng sinumang terorista. Kung pumunta kayo diyan, makipagpatayan, ibigay namin sa inyo ang gusto ninyo,” wika pa ni Duterte sa mga sundalo at pulis bago ang boodle fight kamakalawa ng gabi sa Cebu.
“Sabihin ko lang, bombahan mo ‘yang lahat. Eh ’di tapos tayo. But you know, we have to save lives, we have to save innocent people because we are a society of civilized people and there is a governance here. Nagpipigil-pigil lang ako, so timpla-timpla lang muna tayo.
We fight it’s a --- just like a police law and order thing. Pero kung sabihin ninyo na you’ll try to come here to terrorize and establish your order, ah my order really is to shoot you and to shoot you dead,” dagdag pa ng Pangulo
5 Hunyo 2017 - 23:09
News ID: 834523
“Dalhin sa akin ang ulo ng mga terorista”! Ito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na nakikipaglaban sa grupo ng Maute sa siyudad ng Marawi.