Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Huwebes

9 Mayo 2024

12:22:47 PM
1457359

Target ng mga hukbong Yemeni ang 3 barko sa Gulpo ng Aden at sa Karagatan ng India

Inako ng hukbong sandatahang Lakas ng Yemen noong Huwebes ang pananagutan para sa mga pag-atake laban sa tatlong barko na may kaugnayan sa rehimeng Zionista, sa Karagatan ng India at sa Gulpo ng Aden.

Ayon sa ulat,  iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) Balitang ABNA :- Inangkin ng hukbong sandatahan ng Yemen noong Huwebes Lakas ng Yemeni Ansar'Allah ang pananagutan sa mga pag-atake sa tatlong barko na may kaugnayan sa rehimeng Zionista, sa Karagatan ng India at sa Golpo ng Aden.

Ang tagapagsalita ng Sandatang Lakas at pwersa ng Yemeni Ansar'Allah, si Heneral Yahya Saree, ay inihayag niya sa isang pahayag noong Huwebes, na ang mga pwersang Yemeni naval, drone at missile forces ay naka-target sa dalawang barko ng Israeli ang MSC DEGO at ang MSC GINA, sa Gulpo ng Aden gamit ang ilang bilang ng mga ballistic missiles at mga drones.

Sinabi rin ni Saree, na target din ng mga pwersa ng gobyerno ng Yemeni Sana'a, ang MSC VITTORIA sa Karagatan ng India at muli sa Gulpo ng Aden.

Ang tagapagsalita ng armadong pwersa ng Yemen ay dati nang inihayag ang simula ng ikaapat na yugto ng pagdami ng operasyon nito laban sa rehimeng Zionista bilang suporta sa mga mamamayang Palestino, sa Gaza Strip at ipinahayag niya, na ang yugtong ito ay kasama ang pag-target sa lahat ng mga barko na lumalabag sa pagbabawal ng Yemeni sa rehimeng Zionista na Israeli, kabilang na dito ang mga barko na umaalis mula sa Karagatan ng Mediteraneo patungo sa mga daungan ng Palestine, na kung saan sinakop ng mga mananakop na Israel. Target din ng mga hukbong Sandatahang Lakas ng Yemen ang mga barkong ito sa anumang lugar na may access sila, sinabi ni General Saree.

........................