Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng Direktor Heneral ng Islamikong Propagasyon Office sa lalawigan ng Zanjan, " Ang al-Ghadeer at ang pilosopiya nito ay dapat ipaliwanag at ipalaganap upang ang mundo ng Islam ay maipahayag at mailarawan din ang katotohanan ng Imamate."
Si Hujjat al-Islam Ali Yousefi, Direktor Heneral ng Islamikong Propagasyon Office sa lalawigan ng Zanjan, noong Martes, Hunyo 18, ay gumawa ng ilang mga pangungusap sa pulong ng mga relihiyosong tagapaglingkod ng al-Ghadeer sa Masjid ng Zanjan, na binibigyang-diin niya ang pangangailangang para isulong ang katotohanan sa kaganapan ng al-Ghadeer sa komunidad at nabanggit, "Ang espesyal na isyung ito kaya dapat seryosong isaalang-alang ang pagdiriwang ng programa."
Sinabi din niya, na ang panahon sa pagitan ng Eid al-Adha hanggang Eid al-Ghadeer, ay tinatawag na dekada ng imamate at guardianship [Welayat], at ito ay may espesyal na pilosopiya.
Ang Direktor Heneral ng Islamikong Propagasyon Office sa Zanjan Province ay nagpatuloy sa kanyang pagsasabi, na ang kalapitan ng dalawang relihiyosong pista ay maraming masasabi, at ang kahalagahan at posisyon nito ay dapat talaga seryosong matugunan.
Binigyang-diin pa ni Hujjat al-Islam Yousefi, na ang isyu ng Imamate at ang Wilayat ay binibigyang-diin ng mga Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) sa bawat komunidad ng mga Shiah, at ang mensahe ng Banal na Propeta (SAWW) tungkol sa paghahatid ng kaganapang al-Ghadeer Khum, sapagkat ito ay isang tungkulin para sa lahat.
"Ang Ghadeer Khum at ang pilosopiya nito ay dapat lamang ipalaganap upang ang mundo ng Islam at di' Islam ay maipahayag at mailarawan din ang katotohanan ng Imamate at ng Wilayat ng Ahlal-Bayt (AS)." Idinagdag niya.
Ang Direktor Heneral ng Islamikong Propagasyon Office sa lalawigan ng Zanjan ay nagbigay-diin sa pangangailangang upang seryosong isulong ang kaganapan sa pagdiriwang ng al-Ghadeer sa bawat lipunan at sinabing, "Ang kaganapan ng al-Ghadeer ay dapat maipasa rin sa mga susunod na henerasyon."
...........................
328