Sinabi ni Ayatollah Seyyid Ali Khamenei, sinabi ng kanyang kasiyahan sa espiritu, may pag-asa sa pananaw at nasasalat na mga aktibidad ng mga aktibistang produksyon at entrepreneurship: Gaya ng ilang beses nang sinabi ko noon pa sa mga namamahala at mamamahala sa kasalukuyan ng bansa, ang talento at kapasidad ng ating bansa para sa pag-unlad dahil sa mga yaman na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos, heograpikal, internasyonal at pampulitikal posisyon at lalo na ang yaman ng mga taong indibidwal ay napakataas at katangi-tangi sa ilan mga larangan, at sa kadahilanang ito, ang kinabukasan ng bansa at ang pananaw ng pag-unlad ng Iran ay mas maliwanagan pa kaysa sa kasalukuyang mga hula.
Tinawag niya ang pagbibigay ng pangalan sa mga taong ito bilang taon ng "produksyon, nakabatay sa kaalaman, paglikha ng trabaho" sa ilang mga malawak na kadahilanan sa pagpupulong sa mga aktibistang pang-ekonomiya noong nakaraang taon at idinagdag pa niya: ang eksibisyon na binisita natin nang dalawang araw na ang nakalipas ay nagpapakita iyon na medyo may mabubuting gawain na ginawa sa larangan ng slogan ng taong ito. Kasabay nito, ang mga salita ng mga aktibistang pang-ekonomiya sa pulong na ito tungkol naman sa mga pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kung pakikinggan ng mahigi ay kung saan nagbibigay naman ito ng magagandang pag-asa at pangako sa bansa at sa mga mamamayan, at ang mga opisyal na tagapagpahiwatig ng unang kalahati ng taong ito 2022-2023 higit pa sa lahat nagpapahiwatig ng paggalaw at paglaki sa mga magagandang daloy ng pag-asa sa pamumuhay ng mga tao sa bansa.
Sinabi ng pinuno ng Pinuno Islamikong Rebolusyon, sa mga opisyal ng gobyerno na dapat silang dumalo sa pulong na ito, lalo na ang unang Bise presidente: Na kailangang sundan ang mga isyu at lutasin ang mga hinaing at lehitimong inaasahan ng mga aktibistang pang-ekonomiya sa pulong na ito, bumuo ng mga grupong nagtatrabaho na may presensya ng mga aktibistang pang-ekonomiya at upang lutasin ang mga problema sa patuloy na pagsubaybay na kinakaharap ng mga tao, sapagkat sa pagkakataong ito, ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay maisasakatuparan din ng mga mamamahala.
Sinabi ni Ayatollah Khamenei, na tumutukoy sa ilan sa mga inaasahang mga producers mula sa kanya, ay idinagdag niya: Siyempre, ang aking pamamaraan ay hindi pumasok sa mga isyu sa ehekutibo, ngunit ipinapakita ko ang paraan at sinusunod ang mga ito nang may nagpupumilit at idiniin niya.
Sa pagpapatuloy ng kanyang talumpati, ipinaliwanag ng Pinuno ng Rebolusyon ang kanyang pangunahin at mahalagang punto, ibig sabihin, ang pangangailangang pang mabilisan at tuluy-tuloy ang paglago ng ekonomiya, sa isang pulong sa mga prodyuser, negosyante at mgabaktibistang nakabatay sa kaalaman.
Ang pagiging atrasado ng bansa noong dekada nobenta at ang relatibong pagsasara ng mga isyung pang-ekonomiya sa ilang taon nitong dekada at bilang resulta ng mga negatibong tagapagpahiwatig sa iba't ibang sektor ay isang mahalagang katotohanan na itinuro niya sa pagpapahayag ng pangangailangan para sa mabilis at tuluy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Inilista ni Ayatollah Khamenei ang mga kahinaan sa pangangasiwa at mga isyu tulad ng mga parusa at pagtutok ng bansa sa isyu ng mga nukleyar at bilang resulta ang pagkondisyon ng ekonomiya sa mga mahahalagang sanhi ng pagkaatrasado ng ekonomiya noong dekada nobenta.
Isinasaalang-alang niya, na ang kabayaran para sa atrasadong ito ay nangangailangan para ipag-patuloy pa ang pagsisikap at para patuloy pa ang paglago ng ekonomiya sa loob ng hindi bababa sa sampung taon at sinabi niya: Dahil dito, sa 7th Development Plan, inuna natin ang pag-unlad ng ekonomiya kasama ng hustisya, dahil ang katarungan ay mahalaga, at kung hindi, ang tunay na pag-unlad ay kailanman hindi ito nagawa, habang ang average rate ng paglago ay itinakda sa walong porsyento, na kung saan ito ay makamit, magandang pag-unlad ang magaganap sa susunod na 5 taon.
Sa pagpapaliwanag ng pangangailangan ng mabilis at tuluy-tuloy na paglago ng ekonomiya, nanawagan ang Pinuno ng Rebolusyon sa lahat ng opisyal ng gobyerno, prodyuser at aktibistang pang-ekonomiya na tumutok at maging mag-ingat sa 4 na pangunahing mga dahilan.
Ang unang dahilan, ay ang tangible livelihood problems ng mga tao at ang kahirapan sa kagalingan ng mga sambahayan.
Tinawag niya ang mga problemang ito ay isang napakahalagang dahilan para maunawaan ang pangangailangan ng mabilis na paglago ng ekonomiya at sinabi niya: Ang pag-aalis ng kahirapan at mga problema sa kabuhayan ng mga tao at pagtiyak na ang kanilang kagalingan at kaginhawaan ay hindi malulunasan nang walang paglago ng ekonomiya, at lahat ng mga opisyal at taong may m
hawak na pamamahala, intelektwal at kakayahan sa pananalapi, pagdating dito mayroon na silang mabibigat na responsibilidad.
Ang pangangailangan upang mapabuti ang posisyon ng Iran sa rehiyonal at pandaigdigang ekonomiya at lumikha ng trabaho para sa milyun-milyong nagtapos ng kani-kanilang pag-aaral ay dalawang iba pang dahilan na ipinahayag ng Pinuno ng Rebolusyon sa bagay na ito.
Aniya: ang pagkakaroon ng isang batang edukadong espesyalista ay isang karangalan, ngunit ang kanyang kawalan ng trabaho ay pinagmumulan ng kanyang kahihiyan, ang isang mahusay na edukadong binata ay nagnanais maghanap ng trabaho at ang posibilidad ng siyentipikong pagsulong mula sa bansa, at nang hindi lumilikha ng trabaho para sa kanila, tayo hindi dapat sabihin kung bakit sila lumilipat, at natural, ang paglikha ng trabaho para sa malaking grupong ito ng mga eksperto at may kakayahang kabataan ay nangangailangan ng mabilis at patuloy na paglago ng ekonomiya.
Ang ika-apat na dahilan, ang Pinuno ng Rebolusyon sa pagpapaliwanag ng pangangailangan ng paglago ng ekonomiya ay hindi gaano maliwanag na sitwasyon ng populasyon ng bansa sa mga tuntunin ng kabataan sa hindi gaanong kalayuang hinaharap.
Sinabi niya: "Salamat sa Mahabaging Diyos, ang mga batang populasyon ng bansa ay mabuti ngayon, ngunit sa kasalukuyang kalakaran ng pagkakaroon ng mga anak, ang kinabukasan ng populasyon ay hindi tiyak sa ganitong kahulugan." Kaya naman, dapat mas lalong yumaman ang ating bansa sa mabilis at tuluy-tuloy na pag-unlad dahil hindi posible na yumaman ang bansa sa mga araw na ito kung wala tayong sapat na kabataan.
Ang susunod na bahagi ng kanyang talumpati, sinabi ng Pinuno ng Rebolusyon, ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga kinakailangan at pangangailangan para sa pagsasakatuparan ng paglago ng ekonomiya. Ang ilan sa mga kinakailangan ay may kaugnayan sa mga opisyal, ang ilan sa mga aktibistang pang-ekonomiya, at ang ilan din sa mga mamamayan .
Sa kontekstong ito, tinawag ni Ayatollah Khamenei ang "pagtaas ng pamumuhunan para sa produksyon" at "pagtaas ng produktibidad" bilang dalawang mahalagang haligi at ang pangunahing pangangailangan ng paglago ng ekonomiya at sinabi niya: Sa ilang sektor, kabilang ang kung paano natupok ang mga likas na yaman, talagang mababa ang produktibidad.
"Ang pagkakaroon ng isang estratehikong pananaw at pangmatagalang plano sa mga ehekutibo at mga katawan ng pamahalaan" ay isa pang kinakailangan na itinuro ng Pinuno ng Rebolusyon at sinabi niya: Karaniwang mha sinasabi ng mga opisyal, na mayroon silang pangmatagalang mga plano, ngunit kung gagawin natin, tayo ay hindi dapat magdusa mula sa pang-araw-araw na buhay at baguhin ang mga salita sa loob ng ilang araw, bakit ba ang pang-araw-araw na pamumuhay ay tumatama sa lahat ng dako at lahat ng mga tao.
"Ang suporta ng mga executive body mula sa pribadong sektor" ay isa pang pangangailangan na itinuro niya sa mga opisyal ng gobyerno.
Sa kontekstong ito, tinawag ni Ayatollah Khamenei ang pagsasabansa ng lahat ng mga aktibidad sa simula ng Rebolusyon bilang isang malaking pagkakamali at sinabi niya: Ang bansa ay hindi umaandal at gumagalaw nang walang mga aktibidad ng mga pribadong negosyo, at ang mga negosyong ito ay hindi papasok sa larangan nang walang suporta ng pamahalaan, kaya kung gagawin nila ng di seryoso, malamang hindi sila magtatagumpay.
Tinawag niyang tumpak at inaprubahan ng mga elementong interesado sa katarungang panlipunan ang mga patakaran ng Artikulo 44 at sinabing: May ilang mabubuti at may mabuting hangarin na mga kapatid na tumututol sa mga patakarang ito, na ito ay hindi raw tama!. Kailangang ipatupad nang may pag-iingat ang pangkalahatang mga patakaran ng Artikulo 44 , pamamahala at disiplina sa trabaho.
Ang "pagpapabuti ng kaalaman at teknolohiya" ay isa pang mahalagang pangangailangan sa paglago ng ekonomiya na tinugunan ng Pinuno ng Rebolusyon at iginuhit niya ang atensyon ng mga unibersidad at mga sentrong pang-agham-pananaliksik dito.
Itinuring niya ang mga tagumpay ngayon sa ilang mga lugar bilang resulta ng pagsisimula ng kilusang pang-agham sa mga labinlimang taon na ang nakalilipas at idinagdag niya: Ang mga batang siyentipiko ay dapat ding tumawid sa harap ng linya ng pandaigdigang agham at maglatag ng batayan para sa pagsasakatuparan ng pangarap na ito pagkalipas ng limampung taon, kung sinuman ang nagnanais ng pinakabagong sa agham kung nalaman niya ito, kailangan niyang mag-aral ng wikang Persian.
Ang "pagtaas ng produktibidad" sa lahat ng sektor, kabilang na ang mga aktibidad ng mga pwersa at empleyado ng mga ahensya ng gobyerno, at sa kung paano gamitin ang mga likas na yaman, kabilang na dito ang tubig, ay ipinaliwanag din ng Pinuno ng Rebolusyon sa pagtalakay sa mga kinakailangan ng paglago ng ekonomiya.
Inilista niya ang "paggawa ng mga kalakal at serbisyo na mapagkumpitensya" sa pamamagitan ng pagtaas ng kalidad at pagbabawas ng presyo ng pinal na produkto bilang isa sa iba pang mga kasangkapan para sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sinabi niya: Ang isyung ito ay napakahalaga sa larangan ng pagluluwas ng mga mamamahala sa gobyerno.
Ang "pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo" ay ang ikaanim na kinakailangan para sa pagkamit ng mataas at napapanatiling paglago ng ekonomiya, na ilang beses na binigyang-diin ng Pinuno ng Rebolusyon at sinabing: Dapat tayong gumawa ng isang mahalagang bagay upang ang mga tao ay madaling makagawa ng kani-kanilang mga negosyo, at makapagkalakal ng pansariling buhay.
Inilista din niya ang mga salungat na desisyon at madalas na pagbabago sa mga batas at regulasyon bilang mga hadlang sa pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo at idinagdag niya: Kailangan lutasin ang mga salungat na desisyon. Minsan dalawang institusyon, na parehong nakaupo sa paligid ng parehong mesa sa pulong ng lupon ng gobyerno, ay nagpahayag ng mga magkasalungat na desisyon. Gayundin, kung minsan ang mga regulasyon ay inihayag sa gobyerno, ngunit biglang may tinig mula sa parlyamento, ang gawaing matagal nang pinlano ay nakansela, at ang problemang ito, na tinutugunan niya sa kapwa nyang tao, dyan din nakaupo sa gobyerno at sa parlyamento, itong mga kaso ay dapat ituwid at ilagay sa tamang pag-uusap.
"Ang lunas para sa mahaba at paikot-ikot na kalsada ng mga prosesong pang-administratibo" ay isa pang punto na itinuro ni Ayatollah Khamenei at idinagdag niya: Mabuting gawain ang nagawa sa larangan ng pinto ng yunit ng serbisyo, na dapat palawakin sa ibang mga sektor, siyempre, deregulasyon, hindi ibig sabihin ng deregulasyon. .
Itinuring din niya, na ang discretionary intervention ng regulatory at non-regulatory institutions bilang isa pang hadlang sa pagpapabuti ng business environment at idinagdag niya: Ang legal na interbensyon ay dapat isagawa sa mga kaso ng mga paglabag, ngunit ang discretionary at hindi kinakailangang mga interbensyon at ang mga interference na ginagawa ng ilang institusyon sa trabaho ng mga tao nang walang legal na mga kinakailangan ay dapat tanggalin.
Binigyang-diin din ni Ayatollah Khamenei, ang pagsisikap na tustusan ang mga aktibidad ng pribadong sektor at binanggit: ang pundasyon ng pondo para sa pagpapaunlad ay upang matulungan ang pribadong sektor, ngunit mula nang itatag ito hanggang ngayon, sa tuwing ang gawain ng iba't ibang pamahalaan ay nakatali at legal na pahintulot, na mag-withdraw nanlamanh na wala silang pera mula sa pondo, tinutukoy nila sa akin para sa iligal daw na paggamit, na may parehong teknikal at kahihinatnan ng mga problema.
Matapos isa-isahin ang mga mabisang salik sa pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo, tinawag ng Pinuno ng Rebolusyon ang disiplina sa pananalapi sa badyet, na isa pang pangangailangan para sa paglago ng ekonomiya at sinabing: ang badyet ay may mga problema sa istruktura at ang kakulangan sa badyet ay isa sa mga pinakaproblemadong isyu para sa ekonomiya ng bansa, na isa sa mga layunin ng pulong ng Supreme Council. Ang mga pinuno ng ekonomiya, ang solusyon sa problemang ito, ngunit hindi pa ito nareresolba hanggang sa kasalukuyan.
Idinagdag pa niya: Sa isyu ng kakulangan ng badyet, ito ay isang isyu ng mga obligasyon na nakakaupo sa pananalapi na walang mapagkakatiwalaang mapagkukunan ay medyo epektibo at dapat na itigil ito. Siyempre, kung minsan ang mga pangakong ito ay ibinibigay mismo ng gobyerno, ngunit ang mga hinihingi ng parliyamento ay mas masahol pa kaysa una, at maraming mga pangako ang ipinapataw sa gobyerno nang walang mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan nito.
Ang pag-aalis ng mga balakid sa pagbibigay ng pamamahala sa mamamayan, pag-iwas sa pampublikong sektor na makipagkumpitensya sa pribadong sektor, at pagpigil sa labis na pag-import ay tatlo pang pangangailangan na binanggit ng Pinuno ng Rebolusyon upang makamit ang paglago ng ekonomiya.
Sa huling bahagi ng kanyang talumpati, gumawa si Ayatollah Khamenei ng tatlong pangungusap: 1- Ang positibong kumpetisyon sa pribadong sektor ay ang puwersang nagtutulak sa ating ekonomiya, ngunit ang mga pribadong negosyong pang-ekonomiya ay dapat paghiwalayin ang kumpetisyon mula sa kooperasyon, lalo na sa mga usaping pang-ekonomiya sa ibang bansa, at makipagtulungan sa isa't isa sa mga pangunahing mga usapin. 2- Dapat bigyang-pansin ng mga ahensya ng gobyerno ang maliliit at katamtamang laki ng mga kumpanya, na may malaking papel sa paglikha ng trabaho at karagdagang halaga, at dapat silang tulungan ng malalaking kumpanya sa pag-ikot ng kanilang produksyon. 3- Ang isyu ng mga kooperatiba sa produksyon ay maaaring isa sa pinakamahirap na gawain para sa paglikha ng trabaho at lalo na sa paglikha ng katarungang pang-ekonomiya sa bansa.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, sinabi ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko: "Ang mga opisyal ng gobyerno ay nagtatrabaho at nagsisikap nang husto, siyempre, dapat nilang pangalagaan ang kanilang mga direksyon at aksyon sa paraang humahantong sa kanais-nais na mga resulta."
Sa pulong na ito, 14 na tao mula sa produksyon at entrepreneurship at knowledge-base mula sa larangan ng pribadong sektor, sa larangan ng advanced na kagamitang medikal, dentistry at parmasya, teknikal at engineering services, wood at cellulose industries, stationery industry, agrikultura at aquaculture at desalination na industriya, kagamitan sa pagmamanupaktura para sa sektor ng renewable energy at solar cell, industriya ng langis at gas, mga produktong petrochemical, pagproseso ng impormasyon at artipisyal na katalinuhan, mga digital na negosyo, industriya ng karpet at tela sa loob ng isang oras at kalahati, isang ulat ng mga tagumpay, mga tagumpay at produksyon pati na rin bilang ilang mga reklamo at problema sa kanilang mga lugar ng trabaho nagharap din sila at nagbigay ng mga mungkahi.
Paglikha ng isang solong pintuan para sa mga serbisyo ng gobyerno sa mga producer, pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan ng mga device sa mga accelerators, pagbuo ng pampubliko at pribadong consortia upang ipatupad ang malaki at kalahating tapos na mga proyekto, paglikha ng isang paggawa ng desisyon at istraktura ng yunit ng pamamahala sa larangan ng pag-export ng mga serbisyo sa engineering, pag-amyenda ng mga batas na may kaugnayan sa mga usapin sa paglilipat ng lupa sa sektor ng agrikultura. , pagtukoy ng isang seryosong programa at pagtataguyod ng pamumuhunan sa larangan ng teknolohiya ng artificial intelligence, pag-oorganisa ng mga impormal na aktibista sa larangan ng industriya, pagbuo ng isang pambansang grupong nagtatrabaho para sa pagsusulat ng software, paglutas ng problema sa working capital ng mga yunit ng produksyon, pag-iwas sa mandatoryong pagpepresyo sa mga kaso kung saan hindi ginagamit ang pera ng gobyerno, pamamahala sa pagkonsumo ng enerhiya at pinakamainam na paglalaan ng subsidy sa gasolina, pagbibigay-diin sa pagkilala sa intelektwal na ari-arian lalo na sa mga digital na teknolohiya, muling pagtatayo ng mga malalakinh pabrika sa mga industriya tulad ng tela ay kabilang sa mga opinyon na ipinahayag ng mga producer sa pulong na ito.
………………….....
328