Sinabi din ni Shaykh Umar Al-Qadri, ang tagapangulo ng Irish Muslim Council, na inatake siya matapos niyang makilala sila para sa isang nakatakdang pagpupulong, iniulat ng RTE noong Biyernes.
"Ang susunod na bagay na natatandaan ko ay ang pakiramdam na nalilito sa aking sasakyan, napapaligiran ng mga matulunging Irish na kapitbahay sa lugar na binibisita ko, nang dumating ang Gardaí at ambulansya," isinulat niya sa X, idinagdag pa niya, "Nasugatan ako at nawalan din ako ng malay, sa loob ng ilang segunda, ngunit nasa akin pa rin ang aking mobile phone, na nagpapahintulot sa akin na makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan na dumating sa loob ng 15 minuto. Dinala nila ako sa ospital kung saan ako nag-overnight."
Nagdusa daw siya ng namamaga ang mukha at nasira ang ilan ang kanyang ngipin, ngunit walang pinsala sa utak o sira sa kanyang panga.
Ipinahayag din niya, na ang kanyang pasasalamat sa mga kapitbahay na tumulong sa kanya at sinabing "ayos naman ang kanyang kalagayan". Sinabi rin niya, na hindi siya ninakawan ng kanyang mga umaatake, ngunit nilayon siyang saktan. "Ito ay isang paunang binalak na pag-atake at isang sinasadyang mapoot na krimen," isinulat niya.
Kinumpirma din ng Gardaí na iniimbestigahan nila ang isang pagnanakaw at pag-atake na naganap sa Tallaght kahapon ng gabi at isang lalaki ang nangangailangan ng medikal na atensyon. Hindi pa nila nakapanayam si Al-Qadri.
Si Al-Qadri ang nagtatag ng Irish Muslim Peace and Integration at pinuno siya ng Islamikong Educasyunal at Kultural Center sa Ireland. Siya ay naninirahan sa Ireland sa loob ng 21 taon na ang nakararaan.
..........................
328