Nilinaw kahapon ng Labor Department na hindi kasama sa suspension order ang mga OFWs na may kontrata na at nagbabalik sa Qatar at ang mga may hawak na overseas employment certificate o OEC.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi deployment ban ang ipinatutupad sa Qatar kundi moratorium o temporary suspension lamang para sa mga manggagawa na walang OEC.
Anya, habang ipinatutupad ang suspension sa deployment sa Qatar ay ititigil muna ang pagbibigay ng OEC habang hindi pa naayos ang diplomatic crisis sa Qatar.
Nilinaw ng DFA na magpapatuloy ang pagpopro¬seso sa mga dokumento para sa deployment ng OFWs sa Qatar.
Gayunman ang mga bagong hire umano na nasa Pilipinas pa ay kober na sa temporary moratorium sa deployment ng mga OFWs sa Qatar habang tinataya pa ang sitwasyon doon.
8 Hunyo 2017 - 23:49
News ID: 835274
Nilinaw kahapon ng Labor Department na hindi kasama sa suspension order ang mga OFWs na may kontrata na at nagbabalik sa Qatar at ang mga may hawak na overseas employment certificate o OEC.