Pinatalsik sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman si dating Misa¬mis Oriental Governor, na ngayo’y Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno dahil sa pagpapaupa ng heavy equipment nang walang isinagawang publikong bidding.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Kaugnay nito, inutos ng Ombudsman na sampahan ng multiple graft charges si Moreno at pitong iba pa. Ang mga ito ay nahaharap sa 6 counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).
Ang mga pinakakasuhan kasama ni Moreno ay pawang miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) Patrick Gabutina, Elsie Lopoy, Rolando Pacuribot, Divina Bade, Cancio Guibone, Leemar Tinagan at Elmer Wabe.
Napatunayan din ng Ombudsman na sina Moreno, Lopoy, Pacuribot, Wabe, Tinagan at iba pa ay guilty sa Grave Misconduct, Serious Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Hindi na rin pinapayagan ang mga ito na makapagtrabaho sa alinmang posisyon sa gobyerno, kanselado ang kanilang eligibility gayundin ang kanilang retirement bene¬fits at pinagbawalang makakuha ng civil service examination.
Sa rekord, ang mga akusado ay nagsabwatan para aprubahan at iproseso ang pagbabayad sa P1,414,179.40 para sa upa sa fuel tankers, trailer trucks at iba pang heavy equipments noong 2007, 2011 hanggang 2012.
10 Hunyo 2017 - 20:17
News ID: 835649
Pinatalsik sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman si dating Misa¬mis Oriental Governor, na ngayo’y Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno dahil sa pagpapaupa ng heavy equipment nang walang isinagawang publikong bidding.