Nakatakdang arestuhin ang ilang indibidwal sa paglabag sa cyber sedition na may kinalaman sa 63 Facebook accounts ng Maute group na ginagamit bilang propaganda sa cyberworld.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang siniguro kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Rodolfo Salalima sa media briefing sa Malacañang dahil malinaw na nilabag nito ang probisyon sa cyber law particular na ikakaso sa mga ito ang cyber sedition.
Hindi naman tinukoy ng DICT ang pangalan ng target na arestuhin ng mga otoridad dahil sa cyber sedition.
Magugunita na mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagbunyag na mayroong 63 Facebook accounts ang Maute-ISIS na ginagamit ng naturang teroristang grupo sa pagpapalaganap ng tero¬rismo at pagpapakalat ng mga pekeng balita kaugnay ng patuloy na krisis sa Marawi City.
Muling nanawagan sa netizens si AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na huwag nang tumulong pa sa pagpapakalat ng mga maling balita at propaganda ng Maute-ISIS terrorists.
Kabilang sa propaganda ng Maute-ISIS ay ang ipinoste ng mga ito at nai-share naman ng kanilang mga supporters ay nauubusan na umano ng bala ang AFP at hindi totoong nagagapi na sila sa labanan dahilan marami silang M203 grenade launcher.
13 Hunyo 2017 - 23:19
News ID: 836327
Nakatakdang arestuhin ang ilang indibidwal sa paglabag sa cyber sedition na may kinalaman sa 63 Facebook accounts ng Maute group na ginagamit bilang propaganda sa cyberworld.