14 Hunyo 2017 - 19:45
Tinadtad ng bala, tinapos sa kalsada ang mag-asawang Engineer at Misis na Abogada

Kapwa idineklarang dead-on-arrival ang isang mag-asawa matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang pauwi na sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.



Kapwa idineklarang dead-on-arrival ang isang mag-asawa matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang pauwi na sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ang mag-asawang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang sina Engineer Felipe Yumol, 53 at misis nitong si Atty. Dolores Yumol, 57, kapwa residente ng #43 Circle Drive, VAA Homes 2, Brgy. Talon 2 ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa mag-asawa dakong alas-6:00 ng gabi sa kanto ng Castillo at E. Trinidad Sts., San Isidro Subdivision, Brgy. Pamplona 1 ng naturang siyudad ay sakay ang mag-asawa sa kanilang Toyota Altis (ZJL-262) at binabagtas ang nasabing lugar nang sila ay harangin ng isang motorsiklo na walang plaka na kinalululanan ng dalawang suspek at dito ay walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Nang makitang duguan ang mag-asawa ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang mga nakasaksi sa pangyayari ay dinala ang mag-asawa sa ospital, subalit binawian din ang mga ito ng buhay.
Narekober ng pulis¬ya sa lugar ng krimen ang 14 basyo ng bala ng kalibre 45 baril.