14 Hunyo 2017 - 21:59
Nawawala ang 70 pang mga Pulis sa Marawi

Patuloy pang pinaghahanap ang nasa 70 pulis sa Lanao del Sur na umano ay nawawala nang magsimulang sumiklab ang karahasan sa Marawi City noong Mayo 23.



Patuloy pang pinaghahanap ang nasa 70 pulis sa Lanao del Sur na umano ay nawawala nang magsimulang sumiklab ang karahasan sa Marawi City noong Mayo 23.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang inihayag ni PNP ARMM Dir. Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na hanggang ngayon ay unaccounted pa ang mga ito at patuloy pa nilang hinahanap.
Anya, hindi maisa¬santabi na ang nawawalang mga pulis ay posibleng naiipit sa Marawi City matapos na kubkubin ng Maute Group at Abu Sayyaf Group ang ilang vital installations at iba pang gusali sa lungsod.

Nabatid na ilang mga pulis ang hindi na nakapag-report sa kani-kanilang units bunsod ng kaliwa’t kanang pagsasara sa mga pangunahing lansangan papasok at palabas ng Marawi City para mapigilang makatakas ang mga terorista.

Nagbibigay ng suporta at karagdagang puwersa ang mga pulis sa mga sundalo para labanan ang mga local at foreign terrorist na hanggang ngayon ay patuloy na nakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan.