17 Hunyo 2017 - 23:59
Higit sa 310 na ang mga namatay sa Marawi

Nagsagawa ng rali ang mga miyembro ng Kabataan Para Sa Kapayapaan sa Mindanao sa center island sa kahabaan ng Morayta at nanawagan sa Duterte administration na alisin na ang Martial Law sa Mindanao.



Nagsagawa ng rali ang mga miyembro ng Kabataan Para Sa Kapayapaan sa Mindanao sa center island sa kahabaan ng Morayta at nanawagan sa Duterte administration na alisin na ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – higit na sa 310 ang nasasawi sa patuloy na krisis sa Marawi City na nasa ika-25 araw matapos na 19 pang Maute –ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ang mapatay sa pakikipagbakbakan sa security forces.

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF) Commander Brig. Gen.Rolando Joselito Bautista, nadagdagan rin ng isa ang nasawi sa tropang gobyerno na nasa 59 na.

Habang nasa 26 naman ang napaslang sa hanay ng mga sibilyan, hindi pa kasama dito ang malaki pang bilang ng mga nasawing sibilyan na kasalukuyan pang bineberipika.

Ayon kay Bautista, sa kabuuan ay nasa 225 na ang mga nasawi sa mga terorista matapos na madagdag sa talaan ang 19 iba pa.
Umaabot naman sa 1, 629 ang mga nasagip na sibilyan na kabilang sa mga hostage at na-trap sa bakbakan.