Pinamumugaran umano ng mga sumusuporta sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang tatlong bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang inihayag ni Sultan Kudarat PNP Director Police Senior Supt. Raul Supiter kaya mas naghihigpit sila ngayon ng seguridad at patuloy ang ginagawang opensiba ng joint task force ng mga pulis at militar laban sa naturang mga grupo.
Nilinaw ni Supiter na ang mga ISIS supporter na kanilang tinutugis ay iba sa Maute group na umatake sa Marawi City.
Aniya, ang nasabing mga armado ay lumipat lamang sa Sultan Kudarat dahil din sa pagtugis sa kanila ng mga otoridad sa Maguindanao.
Tumanggi muna si Supiter na isapubliko ang tatlong lugar sa Sultan Kudarat na pinagkukutaan ng mga ISIS supporters upang hindi mabulabog ang kanilang mga ginagawang operasyon.
Hiniling ng opisyal sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad, maging mapagmatyag at agad magsumbong sa pulisya kung may mga kahina-hinalang perso¬nalidad na mamataan sa kanilang lugar.
20 Hunyo 2017 - 23:47
News ID: 837788
Pinamumugaran umano ng mga sumusuporta sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang tatlong bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.