Nasa ilalim pa rin sa full alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang seguridad sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagwawakas ng “Holy Month’ ng Ramadan ng mga Muslim bukas, araw ng Lunes.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Nabatid kay NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde, sa ilalim ng full alert status ay paiigtingin ang police visibility at mobile patrol operations sa lahat ng mga lugar kung saan maraming mga taong nagtitipon partikular na ang mga Muslim na daragsa sa mga mosque, malalaking malls at iba pa.
Samantalang bukod dito ay magkakaroon rin ng deployment ng AFP Joint Task Force –National Capital Region bilang augmentation forces sa ilang mga piling lugar sa Metro Manila gaya ng Quezon City at lungsod ng Maynila.
Ayon kay Albayalde , ang mga Muslim communities sa NCR ay nakaalerto din para matiyak ang seguridad sa lahat ng Eid’l Fitr events partikular na sa Golden Mosque area sa Quiapo, Maynila.
Nabatid pa na kabilang rin sa sentro ng selebrasyon ng kapiyestahan ng mga Muslim bilang tanda ng pagwawakas ng pag-aayuno ng mga ito ay ang Luneta Park.
Sa kabuuan , 2,000 pulis ang ipakakalat ng NCRPO para tiyakin ang seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa selebrasyon ng Eid’l Fitr kabilang ang mahigit 500 sa Luneta Park.
Inihayag naman ni Albayalde na bagaman wala silang namomonitor na banta sa pagtatapos ng Ramadan ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras upang bigyang proteksyon ang publiko.
24 Hunyo 2017 - 22:09
News ID: 838636
Nasa ilalim pa rin sa full alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang seguridad sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagwawakas ng “Holy Month’ ng Ramadan ng mga Muslim bukas, araw ng Lunes.