5 Hulyo 2017 - 01:13
Ililigtas daw ang mag-asawang Maute-ISIS

May natanggap umanong banta ang pamunuan ng Bureau of Jail Ma¬nagement and Peno¬logy (BJMP) tungko sa umano’y rescue mission ng Maute terrorist group sa mag-asawang Ca¬yamora at Farhana Maute na nakakulong sa Metro Manila detention facility sa Taguig City.

Tulad ng Binalita ng Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - May natanggap umanong banta ang pamunuan ng Bureau of Jail Ma¬nagement and Peno¬logy (BJMP) tungkol sa umano’y rescue mission ng Maute terrorist group sa mag-asawang Ca-yamora at Farhana Maute na nakakulong sa Metro Manila detention facility sa Taguig City.

Ito ang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kaya naman ay handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpadala ng reinforcement sa BJMP bilang dagdag puwersa upang mahadlangan ang plano ng Maute group na iligtas ang mag-asawang Maute na nakakulong sa nasabing detention center.

Sinabi pa ni Sec. Lorenzana sa Min¬danao Hour briefing sa Malacañang, hindi na kailangang ilipat pa ng ibang jail facility ang mag-asawang Maute bagkus ay magdagdag na lamang sila ng security forces sa piitan kung kinakailangan ng BJMP para sa seguridad sa gitna ng bantang rescue mission ng Maute group sa mga magulang nina Omar at Abdullah Maute na nahuli ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar habang tumatakas palabas ng Marawi City.