Narekober ng tro¬pa ng militar sa isang clearing operation ang nasa 57 mga na¬agnas na bangkay na karamihan ay mga sibil¬yan na pinagpapatay ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) matapos na pumalo na sa 43 araw ang krisis sa siyudad ng Marawi, kahapon.
Naiulat sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Assemblyman Zia Alonto Adiong, Spokesman ng Provincial Crisis Management Committee, kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad kung ilan ang mga sibilyan at ilan rin ang mga terorista sa mga narekober na umaalingasaw na ang mga bangkay na dinala sa Iligan City para maisailalim sa proseso ng PNP-Crime Laboratory. Kapag, anya nakilala na ang nasabing mga bangkay ay saka na nila ito idadagdag sa death toll sa lungsod.
Hiniling rin ng opis¬yal sa PNP na magpadala ng Mobile Laboratory sa siyudad ng Marawi para mapabilis ang pagpoproseso sa mga bangkay na narerekober ng retrieval team.
Inihayag naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, na sa tala umaabot na sa 461 ang death toll kabilang ang 337 ang mga napatay na Maute-ISIS terrorists, 39 ang sibilyan at 85 naman sa hanay ng security forces.
Sa kasalukuyan ay pa¬tuloy ang clearing operation sa lugar upang malipol ang nalalabi pang Maute-ISIS terrorists na nasa apat na barangay na lamang ng lungsod nagtatago.
5 Hulyo 2017 - 02:04
News ID: 840497