17 Marso 2018 - 06:19
West Bank: 2 Palestino pinatay ng mga sundalong Israel

Isang bilang ng mga sundalo ng Israel ay pumatay ng dalawang Palestino at ilan pa ang nasugatan nitong Biyernes, Marso 16, sa isang operasyon sa Jenin, iniulat mula sa Palestinong media.


Isang bilang ng mga sundalo ng Israel ay pumatay ng dalawang Palestino at ilan pa ang nasugatan nitong Biyernes, Marso 16, sa isang operasyon sa Jenin, iniulat mula sa Palestinong media.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Ipinahayag ng Al-Quds TV na sa panahon ng isang operasyon na isinagawa ng isang mamamayang Palestinian sa Jenin, dalawang Palestino ang pinatay ng mga sundalong Israeli at apat iba pa ang nasugatan, dalawa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.

Isang bangkay ng sasakyan ang ini-iwan ng dalawang patay at apat na nasugatan malapit sa Israeli settlement ng Mevo Dotan sa West Bank, mahigit kumulang 10 km mula sa timog-kanluran ng Jenin.
Matapos lamang ng operasyon, ang drayber ay tumakas.

Matapos ng pangyayari, sinabi din ng Al-Mayadeen na ang isa sa apat na nasugatan ay namatay dahil sa kanyang mga pinsala.

Ang sitwasyon sa West Bank ay may kalupitan at matindi ang kaguluhan. Ang mga kabataang Palestino na nagpoprotesta sa pinakahuling desisyon ng US sa kalagayan ng Quds ay kinuha sa mga lansangan at nakipaglaban sila laban sa militar ng Israel.

Noong nakaraang buwan, kung saan ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng US na bubuksan ang bagong Embahada ng US sa Quds itong ngayong Mayo 14.

Ang patalastas ay nagpupukaw sa galit ng mga Palestino at ilan pang bansang Muslim at hindi Muslim kasama na rin ang mga panawagan ng mga Muslim na lider para sa mga mass demonstrations.