Sinabi ng Rusong kumpanya Rosoboronexport na magsisimula ang Rusya sa pagsasaayos ng S-400 sistemang depensang misayl sa Turkey sa Hulyo 2019.
Naiulat ng Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24)- "Ang lahat ay tinalakay at napagkasunduan," ayon sa kumpanayang Rosoboronexport na sinipi ng IRIB news agency noong Huwebes (04/25/2019).
Ang mga tensyon sa pagitan ng Turkey at ng US ay nadagdagan sa kamakailang mga linggo pagkatapos nakumpirma ng Ankara ang pagbili ng S-400 sistemang depensag misayl mula sa Rusya.
Ang Rusya at Turkey ay nilagdaan ang kontrata sa pagbebenta ng S-400 noong Disyembre 2017.
Nagbanta ang Washington na magpataw ng mga sanskyon kung patuloy na bibili ng Ankara ang S-400 mula sa Moscow.
Ang S-400 sistemang depensang misayl ay may kakayahang pagpapaputok ng 72 misayl nang sabay-sabay at pagsira ng mga taktikal at balistikong target mula sa isang distansya ng hanggang 60 kilometro sa isang altitude ng 2-27 kilometro.
Sa kasalukuyan ang S-400 ay isa sa mga pinaka-sopistikadong sistema ng pagtatanggol ng misayl sa mundo.
......
/328
25 Abril 2019 - 07:24
News ID: 938282
Sinabi ng Rusong kumpanya Rosoboronexport na magsisimula ang Rusya sa pagsasaayos ng S-400 sistemang depensang misayl sa Turkey sa Hulyo 2019.