Ang pahayag ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, si Imam Khamenei, sa Pagkamartir ni Sayyed Hassan Nasrallah:
Sa Ngalan ng Allah, ang Pinaka-maawain, ang Pinaka-Mahabagin
Ang katotohanan ay kay Allah tayo'y nang-galing, at sa Kanya tayo'y babalik
Mga mahal na mamamayang Iran! O ang dakilang bansang Islam! Ang ating dakilang mujahid, ang tagapagdala ng watawat at bandila ng mga mandirigmang paglaban sa rehiyon, ang banal na iskolar ng relihiyon, at ang utak na pinuno ng pulitika, ang Kanyang Kabunyian, na si Sayyed Hassan Nasrallah, naway kalugdan siya ng Diyos, ay nakamit na niya ang karangalan ng pagkamartir sa mga kaganapan sa Lebanon kagabi. , at pumanaw na ang kanyang dalisay na kaluluwa patungo sa Kaluwalhating Kaharian. Ang aking minamahal na Pinuno ng Kilusang Mandirigma ng Paglaban ay tumanggap na ng gantimpala sa loob ng mga ilang dekada ng jihad sa landas ng Diyos na Makapangyarihan at tiniis niya ang lahat ng mga paghihirap nito sa panahon ng isang banal na labanan. Siya ay naging martir habang siya ay abala sa kanyang pagpaplano para ipagtanggol ang walang pagtatanggol na mga sariling kapwa sa Katimugang bayan at nayon ng Beirut, ang kanilang mga nawasak na tahanan, at ang kanilang mga mahal sa buhay na nagkawatak-watak. Nakipaglaban din siya sa loob ng ilang dekada upang ipagtanggol ang kanyang mga sariling mamamayang Palestino, na napailalim sa kawalan ng katarungan at pang-aapi, ang kanilang inagaw na mga lungsod at nayon, ang kanilang mga nawasak na tahanan, at ang kanilang mga mahal sa buhay na nasawi sa mga masaker na ito... Ang karangalan ng pagkamartir ay ang kanyang hindi mapag-aalinlanganan pagkatapos ng lahat ng kanyang jihad na ito. Ang mundo ng Islam ay nawalan ng isang mahusay na personalidad, ang kanyang mga hinaharap na paglaban ay nawalan ng isang kilalang tagapagdala ng bandila, at ang Hezbollah sa Lebanon ay nawalan ng isang walang katulad niyang pinuno, ngunit ang mga pagpapala ng kanyang pagpaplano at jihad sa paglipas ng mga ilang dekada ay hindi magwawakas dito. Ang pundasyon ng kanyang inilatag sa Lebanon, at kung saan pinamunuan niya ang lahat ng mga sentro ng mga mandirigmang paglaban, ay hindi lamang mawawala sa kanyang pagkawala, ngunit mas lalo pa itong lalakas at mas lalo pa itong magiging matatag sa pagpapala ng kanyang dalisay na dugo at ng dugo ng lahat ng mga martir.
Ang mga welga ng mga manlalaban na resistance sa sira-sira at nabubulok na katawan ng mga Zionistang entidad ay magiging mas matindi, sa pamamagitan ng kalooban ng Makapangyarihang Diyos, mas mapangwasak atmapangwsira. Ang malisyosong sarili ng Zionistang entidad ay hindi nakamit ang anumang tagumpay sa kanilang mga krimeng ito, dahil ang pinuno ng mga mandirigmang paglaban ay hindi lamang isang tao kundi isang diskarte at isang paaralan, at ang pamamaraang ito ay magpapatuloy. Kung paanong ang dugo ng isang martir, na si Sayyed Abbas al-Musawi ay hindi ibinuhos ang kanyang dugo na walang kabuluhan, ang dugong martir na dumanak sa kupa ni Sayyed Hassan Nasrallah ay hindi rin mabubuhos ng walang kabuluhan.
Ako ay nag-aalay ng aking pakikiramay at pagbati sa kanyang butihing balo na asawa ng mahal na Sayyed, na kung kung saan ay nag-alay din ng kanyang sariling anak, na si Shaheed Sayyed Hadi para sa kapakanan ng Diyos, at sa kanyang mga mabubuting anak, at sa mga pamilya ng mga martir sa pangyayaring ito, gayundin sa bawat indibidwal sa Hezbollah, at sa mahal na mga tao at matataas na opisyal sa Lebanon, at sa lahat ng bahagi ng larangan ng mga mandirigmang paglaban, at sa buong bansang Islam, sa pagkamartir ng dakilang Shaheed Sayyed Nasrallah at ng kanyang mga kasamahang martir, at ipinapahayag ko ang limang -araw na pangkalahatang pagluluksa sa loob ng bansang Islamikang Republika ng Iran. Hinihiling ko sa Diyos na Makapangyarihan na tipunin siya kasama ng kanyang mga maluwalhating kaluluwa.
"At ang kapayapaan ay mapasa mga matuwid na lingkod ng Diyos na Makapangyarihan"
و السلام على عباد الله الصالحين
Seyyid Ali Khamenei
28 | Setyembre | 2024
24 | Rabi' al-Awwal | 1446
................
328