Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Samaritano ay isa sa mga matatandang mga Anak ng Israel at mula sa isang tribo na tinatawag na Samaria, na naging mga kaaway ng Diyos at tinahak ang landas ng pagkukunwari. Ang kanyang trabaho ay panday siya sa ginto at ang kanyang pangalan ay Micah. (1)
Ang Samaritano ay isa sa mga kasamahan ni Propeta Moses (sumakanya nawa ang kapayapaan) at nagtataglay ng kamangha-manghang kaalaman at superyor siyas sa agham. Nakinabang siya mula sa mga intuitive na kaalaman at asetisismo at nagkaroon ng kamay sa mga dayuhang agham at kaalaman.
Ang Samaritanong guya, o ang guya ni Aaron, ay isang gintong guya na, ayon sa Qur’an, ang Samaritano ay ginawa mula sa ginto ni Moses (as) ay pumunta sa Bundok ng Tur at inanyayahan niya ang mga Israelita para sambahin ito. (2) Ang kahilingan ng mga Israelita kay Moises (as) para sa Aklat at Batas ay naging dahilan ng pagpunta ni Moises (as) sa Bundok ng Tur, sa loob ng tatlumpung araw upang sumamba.
Itinalaga ni Moises (as) ang kanyang kapatid na si Aaron (as), bilang kanyang kahalili niya sa mga tao upang sila ay mamuhay ayon sa kanyang utos at pumunta siya sa Bundok ng Sinai. Sa utos ng Diyos, ang kanyang tatlumpung araw na pangako ay pinalawig sa apatnapung araw. (3) Sa panahong ito, tinipon ni Samaritano ang mga Israelita sa paligid niya at sinabi niya:
Si Moises (as) ay umalis siya sa gitna ninyo at iniiwan niya kayo kasama ng pitumpung lalaki, at silang lahat ay namatay. Ngayon gusto kong ipakita sa inyo ang Diyos ni Moises.
Habang tumatagal ang pagbabalik ni Moses (as), isang tsismis ang kumalat sa mga Anak ng mga Israelita, na si Moses (AS) ay pumanaw na. Sinamantala rin ng Samaritano ang pagkakataong ito na gumawa siya ng guya gamit ang ginto ng mga tao at inanyayahan niya ang mga tao para sambahin ito kasama ng kanyang mga tagasunod.
Basahin natin ang pangunahing kuwento mula sa wika ng Banal na Qur’an. Ang Makapangyarihang Diyos ay tinalakay nang detalyado ang mga aksyon ng Samaritano sa Surah Taha, sa mga talata 85 hanggang sa 99. Sinabi ng Diyos kay Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan): Aming sinubukan ang iyong mga tao [pagkatapos ng iyong pagdating], at iniligaw sila ni Samaritano.
May mga batayan para bumalik ang ilan sa mga Israelita, at nagtago sa pagnanasang ito ay ang mga pangyayaring inilagay sa daan ng mga Israelita mula nang umalis sila sa Ehipto hanggang sa sandaling ito.
Samakatuwid, tanging isang espesyal na tukso at pagsubok lamang ang makapagpapakita ng kanilang tunay na kalikasan. Ang pangyayari sa paglalakbay ni Propeta Moses (as) sa Bundok ng Tur ay nagbigay ng panahon ng matinding pagsubok. Ang Samaritano ay kumilos at, gaya ng sinabi ng Qur’an: Pagkatapos ay naglabas siya para sa kanila ng isang guya, isang walang buhay na katawan na tumutunog na parang guya. (Ang Samaritano at ang kanyang mga tagasunod) ay nagsabi: Ito ang inyong Diyos at ang diyos ni Moises, na kanyang kinalimutan.
Ang pagsaway ng Samaritano kay Propeta Moses (sumakanya nawa ang kapayapaan)
Ang Samaritano bilang tugon kay Moses (sumakanya nawa ang kapayapaan), na nagtanong, "Bakit mo ginawa iyon?" Sinabi niya, "May nakita akong hindi nila nakita." Kinuha ko ang isang bahagi ng mga gawa ng Mensahero, pagkatapos ay itinapon ko ito.(4)
Maraming komentarista ang naniniwala, na ang mensahero sa talatang ito ay si Gabriel (as), na, nang hatiin niya ang dagat para sa mga Anak ni Israel, isang Samaritano ang pumulot ng dumi mula sa ilalim ng mga paa ng hayop na sinasakyan ni Gabriel. (5)
Sa kabilang banda, naniniwala ang ilan, na sinadya ng Samaritano para maniwala kay Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan), ngunit nang maglaon ay nag-alinlangan din ito. (6)
Parusa para sa mga sumasamba sa guya
Ang pagsamba sa guya ng mga Israelita ay itinuturing na isang pangunahing isyu pagkatapos masaksihan ang maraming himala at tanda. (7) Ayon sa mga talata ng Qur’an, ang mga sumamba sa guya ay nagdulot ng poot at kahihiyan ng Diyos sa buhay.
Higit pa rito, binanggit ng Surah Al-Baqarah ang tiyak na parusa para sa mga taong ito: Magsisi sa iyong Tagapaglikha at magpatayan sa isa't isa.(8)
Ayon sa mga talata ng Qur’an, ang Samaritano na guya ay sinunog ni Propeta Moses (as) at ang kanyang mga tagasunod at ang mga abo nito ay itinapon niya sa dagat.
Sa parusang ito, nagsimulang magpatayan ang mga tao, at kasama sa pagpatay na ito ang mga kamag-anak, pamilya, at lahat ng tao ng mga Anak ng mga Israelita. (9) Siyempre pa, naniniwala ang ilan na pinatay ng mga taong hindi sumamba sa guya ang mga sumasamba sa guya. (10)
Naniniwala si Ayatollah Makarem Shirazi, na ang parusang ito ay walang kapantay sa buong kasaysayan ng mga propeta.(11) Naniniwala din ang ibang mga komentarista, na ang matinding parusang ito ay nilayon upang pigilan ang mga Anak ng mga Israelita para bumaling sa idolatriya.(12)
Si Sayyid Murtaza, isang iskolar ng Shiah, ay naniniwala, na ang layunin ng talatang ito ay hindi pumatay; Bagkus, nangangahulugan ito na sa landas ng pagsisisi at pagsisisi, itinatapon nila ang kanilang sarili sa hirap na para bang gusto nilang sirain ang kanilang sarili. Siya ay naniniwala din ditto na ito ay karaniwan sa Arabong panitikan at ito ay isang kabalintunaan ng labis na pagmamalabis.(13)
Itinuring ni Seyyed Muhammad Taqi Modarresi, sa kanyang komentaryo, na ang pagsamba ng mga Israelita sa guya ng mga tao ni Propeta Moses (as) ay dahil sa katotohanan na, bagama't sinunod nila si Moises sa kanilang pakikipaglaban laban sa Paraon, ang pakikipaglaban at pag-unlad ng pulitika na ito ay walang epekto sa kanilang kultura at napanatili pa rin nila ang kanilang mga katangiang idolatroso. (14)
Mga talababa at pinagmumulan:
1- Bihar al-Anwar, vol. 13, p. 244
2- Encyclopedia of Quranic Studies, Khorramshahi, Vol. 2, p. 1181
3- Tafsir al-Mizan, vol. 16, p. 211
4- Surah Taha, bersikulo 96
5- Mafatih al-Ghayb, vol. 22, p. 95
6- Tafsir al-Nun, tomo. 13, pp. 285-286
7- Tafsir al-Nun, tomo. 1, p. 255
8- Surah Al-Baqarah, talata 54
9- Tasnim, Javadi Amoli, Vol. 4, p. 455
10- Tafsir al-Safi, Faiz Kashani, vol. 1, p. 132
11- Tafsir al-Nun, tomo. 1, p. 255
12- Tafsir al-Nun, vol. 1, p. 256
13- Amali, Vol. 2, p. 372
14- Madrasi, Man Huda Al-Quran, Vol. 3, p. 450
Your Comment